Ang aking superhero ay gawa galing sa aking sariling imahinasyon. Papangalanan ko siyang tranquillité goddess. Siya ay nagkakaroon ng taglay na kapangyarihan kung saan kaya niyang bigyan ng kapayapaang panloob. Marami sa mga henerasyon namin ay naguguluhan pa rin sa mga kaganapan sa aming buhay. Parang ako, lumipat ako ng kurso, mula HRM patungo sa AB psychology. Mahirap para sa akin, unang una sa lahat, ay nagustohan ko na rin naman ang aking unang kursong kinuha. Pero sa buhay, kailangan mong gumawa ng desisyon na alam mong mas makakabuti sayo. Gusto maging si tranquillité goddess dahil gusto kong matulungan ang mga kapwa kong kabataan, o kahit mga nakatatanda, na makapagdesisyon ng maayos para sa sarili at sa iba. Gusto ko sila matulungan mapatawad ang kanilang mga sarili sa kanilang mga pagkakamali. Gusto ko iparating sa kanila na hindi sila nag-iisa kahit kailanman at mayroong nagmamahal sakanila.
snippet from Ang Aking Superhero
Ang Aking Superhero